Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni John Blase

Pag-alaala

Lumaki ako sa isang simbahan na maraming tradisyon. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay parangal sa mga namatay na mahal sa buhay. Iniuukit sa isang tansong plake o ipinipinta ang pangalan ng mga namatay at nakasulat ang, “Sa alaala ni...” Natutuwa ako sa mga ginagawa nilang ganito bilang pag-alala sa mga namatay pero naisip ko din na baka may maaari…

Handa sa Bawat Sitwasyon

Namasyal kami ng aking pamilya sa bansang Roma para doon ipagdiwang ang kapaskuhan. Napakaraming tao sa lugar kung saan kami naroon. Habang sinusubukan naming makalabas mula sa kumpol-kumpol na mga tao upang magpunta sa iba pang mga pasyalan, paulit-ulit kong sinabi sa mga anak ko na maging handa o alerto. Dapat maging alerto sila kung nasaan sila, kung sino ang nasa…

Pag-asa

Sumisikat ba ang araw sa may silangan? Kulay asul ba ang langit? Maalat ba ang dagat? Ang atomic weight ba ng cobalt ay 58.9? Maaaring ang isang dalubhasa sa siyensa lamang ang makakasagot sa huling tanong. Para namang nanunuya ang pagkakatanong sa mga unang tanong dahil kitang-kita naman na “oo” ang sagot sa mga ito.

Maaaring maisip natin na may panunuya…

Kasama Natin Siya

Minsan, habang namimili ako sa isang supermarket, napansin ko ang isang babae na matagal na nakatingin sa pinakamataas na istante. Nandoon din kasi sa istanteng iyon ang gusto kong bilhin. Hindi naman ako napapansin ng babae dahil abala siya marahil sa pag-iisip kung ano ang pipiliing bilhin. Tinanong ko siya kung kailangan niya ng tulong. Nagulat siya at sinabing, “Hindi ko…

Sumulat

Mahilig tumakbo, sumayaw, kumanta at maglaro si Ruby tulad ng ibang apat na taong gulang na bata. Pero madalas sumakit ang kanyang mga tuhod kaya agad siyang ipinasuri ng kanyang mga magulang. Nagulat sila sa resulta ni Ruby. Mayroon siyang kanser at malala na ito. Dahil doon, kaagad siyang dinala sa ospital.

Tumagal ang kanyang gamutan na umabot ng hanggang Pasko.…